Sunday, February 24, 2013
"Naranasan mo na bang mawalan ng trabaho? Ano ang naramdaman mo?
Sigurado akong di mo maubos-maisip kung anong hirap ang maaari nitong
dahilan sa iyo at sa iyong pamilya. Tumatanggap ka ba ng makatwirang sahod o
suweldo? Sumasapat ba ito sa pangangailangan ng iyong pamilya? Alam mo ba
na ang kasiguruhan sa trabaho o security of tenure at pagtanggap ng
makatwirang sahod at benepisyo ay ilan sa mga batayang karapatan ng mga
manggagawa? Nakasaad ang mga karapatang ito sa Konstitusyon ng Pilipinas at
sa Kodigo sa Paggawa ng Pilipinas. Dahil kinikilala ng gobyerno ang paggawa
bilang malaking pwersang pang-ekonomya, inilalaan nito ang mga patakarang
nangangalaga sa karapatan ng mga manggagawa. Pero makakakita ka kahit saan
ng mga paglabag sa karapatan ng manggagawa. Para malunasan ang ganitong
kalagayan, bilang isang manggagawa, kailangang maging alerto sa pangangalaga
sa iyong mga karapatan." (c)(unknown)
ARTIKULO II – PAGPAPAHAYAG NG MGA PRINSIPYO AT
PATAKARANG PANG-ESTADO
Seksyon 1. Ang Pilipinas ay isang demokratiko at republikanong
estado. Nananahanan ang soberanya sa mga mamamayan at
nagmumula sa kanila ang lahat ng awtoridad ng gobyerno.
Patakarang Pang-estado kaugnay ng paggawa
Seksyon 18. Ang Estado ay naninindigang ang paggawa ay
pangunahing panlipunang puwersang pang-ekonomiya.
Mangangalaga ito sa karapatan ng mga manggagawa at
magtataguyod ng kanilang kapakanan.
Artikulo XIII – Katarungang Panlipunan at Karapatang Pantao ng
Paggawa
Seksyon 3. Ang Estado ay magbibigay ng ganap na pangangalaga sa
paggawa, lokal at ibang bansa, magbubuo, at magtataguyod ng ganap
na empleyo at pagkakapantay-pantay ng oportunidad sa empleyo para sa
lahat. Maggagarantiya sa mga karapatan ng lahat ng manggagawa na
mag-organisa, makipag-collective bargaining at makipag-negosasyon, at
magsagawa ng mapayapa, sama-samang aktibidad, kabilang ang
karapatang magwelga alinsunod sa batas. May karapatan sila sa
kasiguruhan sa trabaho, makataong kalagayan sa trabaho at sahod.
Makakalahok sila sa mga proseso sa pagpapatibay ng patakaran at
pagbubuo ng desisyon na may kaugnayan sa kanilang mga karapatan at
benepisyo na itinatakda ng batas.
Ang Estado ay magtataguyod ng prinsipyo ng magkasalong
responsibilidad ng mga manggagawa at pinaglilingkuran at ang
kinikilingang paggamit ng boluntaryong paraan sa paglutas ng mga
alitan, kabilang ang pagsunod dito para mapayabong ang
kapayapaan sa industriya.
Ang Estado ay mangangalaga sa relasyon ng mga manggagawa at
employer, sa pagkilala sa mga karapatan ng paggawa para sa
makatwirang pagbabahagi sa bunga ng produksiyon at karapatan ng
empresa sa makatwirang kita sa pamumuhunan at sa pagpapalawak
at pag-unlad.
Dito nakasaad ang mga karapatan ng ating mga manggagawa.Sa tingin niyo kung wala sila anu na tayu.Kasama sila sa pag asenso nating lahat.Wag natin sila balewalain.Malaki ang inaambag nila sa pag lago ng ating ekonomiya.Mga tao rin silang napapagod,nag babalat ng buto para sa pamilya.Wag naman natin sila tipirin at apakan ang kanilang pagkatao,kunin ang kanilang mga karapatan.Wag naman ganoo,pinaghihirapan nila bawat bentisingko na kanilang kinikita.Dugo at pawis ang kanilang pinuhunan.Kaya dapat kanilang KARAPATAN!IPAGLABAN!
Subscribe to:
Posts (Atom)